KUMITA si Adele ng $21.5 million (£16.5M) noong nakaraang taon sa kanyang third studio album na 25.

Ayon sa editors ng British newspaper na The Sun, ang album na naglalaman ng hit singles na Hello, When We Were Young, at Send My Love (To Your New Lover) ay nagbigay sa 29-anyos ng pay rise na $13M - na nagdagdag sa kabuuang kinita niyang umaabot sa $21.5 million o katumbas ng $60,000 kada araw.

Adele
Adele
Ang singer ay iniulat na mayroong $135M yaman, na madadagdagan pa sa 2018 kapag isinama na ang mga kinita niya sa kanyang tour.

Sinabi ng isang source sa pahayagan na: “The Adele success story just rumbles on and on. It’s an incredible amount of money, more than you’d think she’d ever need.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

“And she has always been very careful with her earnings so there’s no chance she’ll waste any of it.”

Ang ikatlong album ni Adele, inilabas noong Nobyembre 2015, ay bumenta ng 20 milyong kopya sa buong mundo. At ang paperwork na nilagdaan ng singer ay nagsasabing: “The company will continue to exploit existing recordings and the director expects the turnover to remain strong.”

Inaasahang tataas pa ang kita ng singer sa susunod na taon dahil isasama rito ang kinita mula sa kanyang 121-date world tour, na tumawid sa tatlong kontinente.

Nagtanghal si Adele sa libu-libong fans sa stadium tour, at marami ang nadismaya nang mapilitan siyang kanselahin ang dalawa niyang homecoming shows sa Wembley Stadium noong Hulyo nang masira ang kanyang vocal cords.

Sa kanyang show sa Nashville, ibinahagi ng bituin na binabalak niyang magkaroon ng isa pang anak pagkatapos ng kanyang tour.

“My son is about to turn four very, very soon. I’m starting to get very emotional about it because I feel like, once they turn four, they’re not really your actual baby any more,” buntong-hininga niya. “So my womb is starting to ache a little bit. It’s like, ‘Baby, baby, baby. Need a baby, need a baby’.

“I’m not pregnant. I won’t get pregnant until the end of the tour.” - Cover Media