BENGHAZI, Libya (Reuters) – Nasa 37 bangkay ang natagpuan malapit sa Benghazi, pagkukumpirma ng security sources nitong Biyernes.

Nadiskubre ang mga bangkay nitong Huwebes ng gabi sa Al-Abyar, nasa 70 kilometro (44 milya) ng silangang bahagi ng Benghazi. Hindi nagbigay ng impormasyon ang security sources tungkol sa pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Matatandaang nitong mga nagdaang buwan, ilang bangkay din ang natagpuan mismo at sa paligid ng Benghazi. Ang lugar ay kontrolado ng Libyan National Army (LNA), isang puwersa na pinamumunuan ni eastern-based commander Khalifa Haftar.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'