PINATAOB ng defending champion Centro Escolar University ang Diliman College, 75-63, kahapon para masiguro ang twice-to-beat incentive sa semifinals ng Universities and Colleges Basketball League (UCBL) Season 2 sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Kumubra si Orlan Wamar ng 18 puntos, tampok ang tatlong three-pointer, habang tatlong CEU locals ang kumana ng double digits para maiganti ng Scorpions ang natamong 59-56 kabiguan sa Blue Dragons noong Oktubre 7.

Nakopo ng CEU ang ikaapat na sunod na panalo at ika-10 sa kabuuang 11 laro para masiguro ang twice-to-beat advantage sa semifinal round.

Natamo ng Diliman College ang ikaapat na sunod na kabiguan para sa 7-5 karta.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It’s all about the desire of the players. They really wanted to win and they didn’t let this chance to get back at them slipped away,” pahayag ni Scorpions coach Yong Garcia.

Sinamantala ni Senegalese big man Adama Diakhite ang pagkawala ng karibal sa CEU na si Rod Ebondo, sa naiskor na game-high 21 puntos at 19 rebounds at tatlong blocks, nunit bigo siyang makakuha ng suporta sa kanyang mga kasangga.

Mula sa dikit na laban sa first half, nagawang makaabante ng Scorpions sa 21 puntos na bentahe.

Ginapi naman ng Colegio de San Lorenzo ang Lyceum-Batangas, 92-87, para patatagin ang kampanya na makuha ang No.2 spot at twice-to-beat advantage sa semis.

Hataw si Benin native Soulemane Chabi Yo sa naiskor na 24 puntos, 23 rebounds at tatlong blocks sa panalo ng CdSL.

Iskor:

(Unang laro)

CEU (75) — Wamar 18, Uri 13, Manlangit 12, Guinitaran 11, Umeanozie 8, Caballero 4, Intic 3, Arim 2, Baconcon 2, Cruz 2, Demigaya 0, Fuentes 0, Galinato 0.

Diliman (63) — Diakhite 21, Darang 10, Brutas 9, Gerero 9, Mondala 5, Corpuz 4, Bauzon 3, Ligon 2, Chavenia 0, Handag 0, Mbiya 0, Salazar 0, Sombero 0.

Quarterscores: 19-15; 42-28; 62-43; 75-63.

(Ikalawang laro)

CdSL ( 92) — Chabi Yo 34, Formento 20, Alvarado 16, Sablan 9, Laman 6, Borja 4, Ancheta 2, Rojas 1, Callano 0, Vargas 0.

Lyceum-Batangas (87) — Buen 19, Saliente 18, Fernandez 14, Lapasaran 13, Eranes 10, Villaluna 9, Axalan 2, Villanueva 2, Solitario 0.

Quarterscores: 23-15; 45-40; 71-66; 92-87.