Ni: Marivic Awitan

HANDA na ang lahat para sa kampeonato ng 48th Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA) basketball at volleyball tournaments ngayong Sabado sa Rizal Memorial Coliseum.

Taglay ng six-time basketball defending champion Centro Escolar University ang twice-to-beat advantage kontra Philippine Women’s University sa seniors finals sanhi ng naitala nilang four-game sweep sa elimination round sa nakatakdang rematch ng nakaraang taong finals sa kanilang pagtutuos ganap na 5:00 ng hapon.

Umusad ang PWU sa kampeonato sa pamamagitan ng 78-59 panalo kontra rookie team University of Makati sa semifinals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang best-of-three juniors finals ay isa ring rematch ng two-time defending champion Chiang Kai Shek College at De La Salle Zobel na gaganapin ng 3:30 ng hapon.

Ang St. Paul College Pasig at Miriam College na nanguna sa two-round midgets preliminaries sa barahang 7-1 ang magtatapat sa championship na sisimulan ang best-of-three series ngayong 2:00 ng hapon.

Sa volleyball finals, magsasagupa ang defending midgets champion DLSZ at St. Scholastica’s College sa ikalawang sunod na taon simula ngayong 8:00 ng umaga.

Magtutuos naman para sa seniors division ang reigning titlist San Beda at CEU ganap na 12:00 ng tanghali.