NI: Rommel P. Tabbad
Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibleng pagpasok sa bansa ngayong araw ng bagyong “Quedan.”
Huling namataan ang nasabing bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa layong 2,145 kilometro sa Silangan ng Mindanao.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Nicos Peñaranda na magdadala ito ng ulan sa Visayas at Mindanao ngayong araw, na posibleng magdulot mga pagbaha at landslide.