Lumagda si Senate President at PDP Laban President Aquilino “Koko” Pimentel III ng kasunduan sa pinakamalaking partido pulitikal sa Russia, ang United Russia, sa St. Petersburg kamakailan.

Ang United Russia ang namamayaning partido sa Russian Federation, at isa si Russian President Vladimir Putin sa mga opisyal nito.

Dumalo si Pimentel sa 137th International Parliamentary Union Assembly sa St. Petersburg nitong Oktubre 17 at nakipag-usap din sa mga pinuno ng United Russia.

Ang kasunduang nilagdaan ni Pimentel sa Russia para sa PDP Laban ay ikalawang pinakamahalagang nilagdaan niya matapos ang Memorandum of Agreement ng PDP Laban sa Communist Party of China noong Pebrero.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20