UNTI-UNTI nang dumadami ang haters nina Valeen Montenegro at Edgar Allan Guzman dahil sa portrayal nila as Cindy and Ryan sa hit primetime series na My Korean Jagiya ng GMA-7.

Valeen
Valeen

Dinudumog sila ng hindi mabilang na hate comments sa Twitter every night lalo na kapag sila ang nasa eksena with Gia and Jun Ho na ginagampanan naman nina Heart Evangelista at Alexander Lee. Sa ilang posts, tinatawag silang dakilang epal. Walang dudang asar na asar na sa characters nila ang viewers gabi-gabi.

Feel na feel ng viewers ang inis tuwing niyayakap at hinahalikan ni Cindy si Jun Ho at hindi rin mapigilan ng manonood ang galit kapag ipinipilit ni Ryan ang sarili kay Gia at sa pamilya nito lalo na kay Tita Josie (Ricky Davao). Nangangahulugan lang na effective sila sa roles nila. Good job, guys! Keep it up!
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter