Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa food supplements na hindi lisensiyado sa kanilang tanggapan at may ‘therapeutic claims’ sa label nito.

Batay sa inisyung Advisory No. 2017-275, nabatid na kabilang sa mga produktong hindi lisensiyado o hindi dumaan sa pagsusuri ng FDA ay ang Healing Galing Rhizome Pills, Healing Galing Herbal Serpentina Tablets, Healing Galing Omega 3 Fish Oil, Healing Galing Organic Vitamins B1, B6, Healing Galing Organic Vitamin B12, Healing Galing Healing Food, Healing Galing Black Rice Coffee, at Healing Galing Pure Honey.

“The public is warned that the following food products being advertised at http://healinggaling.ph/ by HEALING GALING are not registered with the FDA,” saad sa abiso ng FDA.

“Pursuant to Republic Act No. 9711, otherwise known as the Food and Drug Administration Act of 2009, the manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising or sponsorship of health products without the proper authorization from FDA is prohibited,” dagdag pa ng FDA.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon sa FDA, dahil hindi dumaan sa kanilang pagsusuri ay hindi nila magagarantiyahan ang kaligtasan at kalidad ng naturang mga produkto, na may mga mali, mapanlinlang at hindi wastong pahayag din sa label at promotional materials nito.

Pinapayuhan naman ng FDA ang publiko na iwasang bumili ng mga naturang produkto at maging maingat at mapagmatyag.

Dapat rin anilang tiyakin na ang mga produktong bibilhin ay rehistrado ng FDA. - Mary Ann Santiago