Ni REGGEE BONOAN

TAWA kami nang tawa kay Angeline Quinto tuwing napapanood namin sa I Can See Your Voice dahil parating nahuhuli sa kamera na nakanganga habang pinapanood ang contestant sa stage of truth.

Kaya nitong Sabado na si Jed Madela ang guest singer na huhula kung sino ang tunay na Seen-tunado at Seen-nger ay tinext na namin si Angeline ng, ‘Bakit ba lagi ka nakanganga sa ICSYV?’

Angeline Quinto
Angeline Quinto
Agad kaming sinagot ng dalagang singer ng, “Ha-ha-ha, nawawala sa isip ko may camera Ate Reggee.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Biro namin, mabuti at walang lamok o langaw sa studio.

“Ha-ha-ha, wala po,” sagot niya.

Magaling kumilatis si Angge ng tunay na singer na madalas niyang isinisenyas sa guest singer kaya tinanong namin kung paano niya nalalaman. Seryoso kasing pinagmamasdan ng dalaga ang contestants.

“Nararamdaman ko talaga, Ate Reg, e. Kasi minsan sa tayo pa lang sa stage makikita mo na agad,” sagot ni Angge.

Kung doon makikita, bakit hindi nahuhulaan nina Andrew E at Kean Cipriano? Si Wacky Kiray ay tumatama rin ang hula kung minsan, samantalang sina Bayani Agbayani at Alex Gonzaga ay puro kalokohan ang pinagsasabi kung minsan.

Anyway, sa lahat ng naging guest singers ng I Can See You Voice ay tatlo pa lang sa bilang namin ang nakahula ng mas maraming tama, sina Lea Salonga, Jolina Magdangal at Jed Madela.

Maraminang nanonood ng show nila dahil nakaka-good vibes.

Going back to Angeline, may mga project pa siya bukod sa ICSYV at bilang isa sa Birit Queens ng ASAP na ayaw pa niyang sabihin dahil, “Secret po, ha-ha-ha. Balitaan na lang po kita kapag sure na.”

Wala pa ring love life si Angeline dahil ang lalaking gusto niya ay mas inuuna raw ang career.

Hmmm, hindi kaya ikaw ang mas inuuna ang career, Angge?