NI: Reggee Bonoan

MAGANDA ang pasok ng third quarter ng 2017 kay Jerome Ponce na pinupuri ngayon bilang effective na kontrabida sa The Good Son na umeere sa ABS-CBN pagkatapos ng La Luna Sangre at nominado naman ang pinagbidahan niyang Wansapanataym episode na “Candy’s Crush” para sa best TV movie/mini-series category ng 2017 International Emmy Kids Awards na idinirek ni Andoy Ranay at ipinalabas noong June 2016.

JEROME copy

Kasama rin sa The Good Son ang katambal ni Jerome sa Candy’s Crush na si Loisa Andalio na love interest nila ni Joshua Garcia.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Bukod sa pinag-uusapang teleserye, heto at kasama siya sa pelikulang The Ghost Bride ni Kim Chiu.

May offer ding indie film kay Jerome na sa ibang bansa ipalalabas bago rito sa Pilipinas pero hindi pa puwedeng banggitin kung sino ang makakasama niya.

Anyway, makakalaban ng “Candy’s Crush” ang Alleen op de Wereld (Nobody’s Boy) ng Netherlands, Hank Zipzer’s Christmas Catastrophe mula United Kingdom, at Little Lunch ng Australia. Gaganapin ang awards show sa April 18, 2018.

Ang umeereng kuwento ngayon na Wansapanataym Presents Louie’s Bitton ay kapupulutan pa rin ng aral dahil naranasan ni Louie (Grae Fernandez) ang buhay ng kanyang idolong si Ralph (Aljur Abrenica) gamit ang magic biton mula kay Mang Dolino.

Napapanood ang Wansapantaym Presents Louie’s Biton tuwing Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).