Mga Laro Ngayon
(Filoil Arena, San Juan)
12 n.t. -- LPU vs SBC (jrs)
2 n.h. -- LPU vs SBC (srs)
4 pm, -- SSC-R vs UPHSD (srs)
6 p.m.- SSC-R vs UPHSD (jrs)
HANDA na ang Lyceum of the Philippines University para sa huling yusto ng pananakop sa elimination stage ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament.
Ngunit, inaasahang hindi ito magiging madali para sa Batang Intramuros.
Tatargetin ng Pirates ang ‘sweep’ sa elimination round sa pakikipagtuos sa matapang na defending champion San Beda sa tampok na laro ngayon ganap na 2:00 ng hapon sa Filoil Arena sa San Juan City.
Tangan ang 17-0 karta, kakailanganin na lamang ng Pirates na magwagi sa San Beda Red Lions (16-1) para makumpleto ang makasaysayang 18-game elimination round sweep that will catapult them straight to best-of-three finals.
Kung sakali, ito ang pinakamatikas na kampanya ng Lyceum mula nang sumali sa liga may anim na taon na ang nakalilipas. Tatanghalin din sila bilang unang koponan sa nakalipas na mga taon na nakapagtala ng 16-game sweep sa pamosong collegiate league.
“It’s another opportunity for us to inspire others,” sambit ni LPU coach Topex Robinson.
Pursigido naman si San Beda mentor Boyet Fernandez na magawa ang pagiging ‘spoiler’ role.
“We have to bring our defensive mentality in the game and limit their players,” pahayag ni Fernandez, hataw sa 15-sunod na panalo mula nang mabigo sa Lyceum, 91-96, sa first round.
Samantala, target ng San Sebastian (8-9) na ipormalisa ang pagsibak sa Perpetual Help (4-13) sa kanilang laro sa 4:00 ng hapon.
Sakaling manalo, maipupuwersa ng Stags ang three-way tie para sa No.4 spot sa Final kasama ang Letran Knights at Arellano U Chiefs na kapwa may 9-9 karta.