Ni REGGEE BONOAN

PABALIK-BALIK pala sa Pilipinas si Steven Seagal kaya napangiti nang tanungin namin kung ilang beses na siyang nakarating ng bansa.

STEVEN, TIN AT ANG MAY-AKDA copy

“It’s more than hundreds of times,” tipid na sabi ng sikat na martial arts expert.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Bukod sa 7th dan belt sa Aikido, bihasa rin siya sa Judo, Karate, Kendo at Shito-ryu.

Kahit 65 years old, nagagawa pa rin niyang mag-ensayo araw-araw.

“It’s Kung-Fu and Aikido, yes, I practice every day. You will see it in General Commander and the movie Atrition that I’m going to shoot here,” kuwento niya.

Humahanga si Steven sa pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa, pero hindi lang siya ang kilala ng aktor dahil inabot din niya ang Marcos administration, nakilala rin niya ang mga dati nating presidente na sina Corazon C. Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Tinanong din ang actor sa masasabi niya sa peace and order sa Pilipinas na alam naman sa buong mundo na may mga nangyayaring mga kaguluhan sa bansa pero dito pa rin niya piniling mag-shoot ng General Commander.

“I don’t feel like this is a dangerous place,” mabilis na sagot ni Steven.

Pamilyar na si Steven sa Pilipinas at nalibot na niya ang magagandang lugar dito pero pinakamadalas siya sa Manila, “But I’ve gone to Vigan, Boracay, all the islands.”

Gusto ni Steven sa Pilipinas dahil, “The people were very warm, gentle, kind, friendly, great sense of humor.”

Natawa siya nang tanungin kung ano ang Filipino food na gusto niya.

“Why is it everybody asking me about my favorite Filipino food? Well, I don’t eat pork, I like fish, vegetables,” aniya.

Ang ipinunta ni Steven Seagal sa Pilipinas ngayon ay ang shooting para sa TV series na General Commander na 80% ang kukunan dito dahil may mga eksena rin sa Vietnam, Macau, Hong Kong, at Tokyo kasama sina Karinne Behr and Lee Beasley, Loni Farhi, Ciro Orsini at Patrick Zylberman sa direksiyon ng producer din nitong si Philippe Martinez.

Kuwento ng production team sa Pilipinas ni Steven na si Ms. Lilibeth ‘Betsy’ Dy-Liacco, posibleng dito kunan ang isang buong season ng General Commando.

“It would be a 90% Filipino production, good crews, and cheap labor here so we’re very happy,” ani Steven.

Bakit sa Pilipinas ang main base ng shooting ng General Commander?

“We want a place that looks exotic and different from the American films of mine,” sagot ng aktor.

Aabot sa $14M ang budget ng 12-part 45 episodes TV series na may mga eksena ring kukunan sa Berlin, New York, Los Angeles at Marbella, Spain.

Kuwento ng co-producer ni Steven sa Pilipinas na si Mr. Cris Santiago (anak ni Cirio Santiago), nabili na sa Europe ang General Commander kaya nag-o-ocular na ang aktor ng magagandang lugar sa bansa na gagawin nilang location.

Naghahanap sila ng magandang bundok na may falls at beach na walang masyadong tao para hindi maantala ang shooting dahil may sinusunod na timeline kaya limitado ang oras ni Steven sa Pilipinas.

Ang highlights ng shoot dito ayon sa actor ay, “The people, the villages, the countryside, something like that. I’ll be here maybe for about two to three months for the shoot.”

Ang isa sa mga tatalakaying tema sa General Commander ay ang mga pangunahing problema ng lahat ng bansa -- human trafficking, terrorism, drugs trafficking, at iba pa.

Ano ang pagkakaiba ng karakter niya sa General Commander sa mga nagampanan na niya?

“To be honest with you, I don’t think it’s that different, we’re trying to be more intelligent, little more mysterious, little more subtle. You know, we’re still involving a legends and gathering of CIA law, enforcement, action, traveling to places, great strategic moments with the group of guys to accomplish missions,” paliwanag ng Hollywood star.

Naikuwento ni Steven na marami siyang alam sa Philippine history kaya gustung-gusto niya rito.

“It’s very, very interesting place and the real story of the Philippines and the Filipino history particularly in America, they just don’t know, I mean actually, Filipinos were some of the first people would ever be in America, most people don’t know that,” kuwento niya.

Bilang martial arts expert, natanong ang aktor kung interesado rin siyang ipakita sa General Commaner ang Filipino martial arts.

“You know, there’s a guy named Dani Inosanto who in my opinion is the best in knife Kung Fu fighter and he’s the most famous probably in Eskrima. Dani has been my blood brother for more than 40 years and if you look for justice, you can see me some really nice Eskrima stuff there. And that’s a great idea, I’ll try to incorporate some Filipino martials arts in this series,” sagot ni Steven.

Sa naturang TV series, gagampanan niya ang karakter ni Jake Alexander, Amerikanong nagmula sa Virginia, USA at nasa late 50s, dating CIA operative, at pinatay ang asawa niya 15 years earlier na hindi nabigyan ng katarungan kaya napilitan siyang hanapin ang gumawa ng krimen.

Muling nag-asawa si Alexander (Steven) ng Thai na nangangalang Nuy, nakatira sa Northern Thailand at nabiyayaan ng anak na lalaki na si Daniel, pitong taong gulang.

Nang mawalan ng asawa at mga kaibigan sa CIA, bigong umalis si Alexander sa team at saka na nagsimula ang gusot.

Magsisimula ang shooting ni Steven ng General Commander sa Enero 2018.