Hihigpitan ang seguridad sa Tomas Morato Avenue sa paglilikha ng bagong tourist police unit para palakasin ang lugar bilang major tourist hub ng Quezon City.

Sa kautusan ni Mayor Herbert Bautista, sampung police officers mula sa Station 10 ang itatalaga 24-oras upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko dahil ang lugar ay napapansin na sa buong mundo bilang entertainment center at food hub na nag-aalok ng lokal at international cuisines.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Station 10 Commander P/Supt. Christian Dela Cruz na lilibot ang nakatalagang security personnel sakay ng mga bisekleta.

Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na palakasin pa ang turismo sa patuloy na pagdagsa ng mga lokal at banyagang turista sa South Triangle district. - Chito Chavez

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji