ARNOLD, MOTHER LILY, ROSELLE AT AND REGAL MILLENNIAL BABIES

MAY mata talaga sina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde-Teo sa mga puwedeng maging artista, agad na nilang pinapirma bilang Regal Millennial Babies ang limang Filipina beauty queens na nanalo sa Miss World Philippines.

Ang bagong may-ari ng franchise ng Miss World PH si Arnold Vegafria ang manager nina Miss World-Philippines na si Laura Victoria Lehmann; Miss Hispanoamaericana Filipinas Teresita Marquez o Wynwyn Marquez; Miss Multinational Philippines Sophia Senoron; Miss ECO Philippines 2017 Cynthia Thomalla; at sina Miss World PH First Princess at Second Princess Glyssa Leiann Perez at Zhaniethia Jimenez.

Tuwang-tuwa ang limang Pinay beauty queens dahil pagbalik nila ng Pilipinas pagkatapos ng beauty contest ay diretso showbiz na sila. Aminado sila na pangarap din nilang pasukin ang industriya.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

Samantala, ayon kay Wynwyn, first time sasali ng Pilipinas sa Ms. Hispanoamaericana beauty contest sa Bolivia kaya nag-aaral na siya ng Spanish.

“I took time to research and, siyempre, like now, pag ini-interview, ginagamit ko yung opportunity to explain na 27 to 28 years na ‘yung pageant. Sobrang tagal na siya,” sabi ng dalaga.

“It’s a big deal in South America. It’s like a training ground to those who want to join Miss Universe, Miss World representatives.

“Imagine how tight the competition kung dun talaga kukuha ng representative. It’s not a small pageant. It’s hard for me also, because it’s a Spanish-speaking pageant.” Inamin din ni Wynwyn na plano niyang sumali sa Binibining Pilipinas.

Sa Oktubre 19 ang alis ni Wynwyn patungong Bolivia at ang makakasama niya ay ang kapatid na si Yeoj dahil hindi pinayagan ng doktor ang inang si Alma Moreno dahil sa sakit nito samantalang ang amang si Joey Marquez naman ay may hika at baka hindi nito kayanin ang klima at matagal na biyahe.

May trabaho naman ang boyfriend niyang si Mark Herras kaya hindi rin makakasama.

Samantala, kahit beauty queen na si Wynwyn ay magpapatuloy pa rin siya sa pag-aartista. –Reggee Bonoan