SHANGHAI (AP) — Sa isa pang pagkakataon, magtutuos sina Rafael Nadal at Roger Federer sa kampeonato nang kapwa makausad sa championship match nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Shanghai Masters.

Ginapi ng top-seeded na si Nadal si Marin Cilic ng Croatia, 7-5, 7-6 (3), sa unang semifinal, habang nagwagi si second-seeded Federer sa pahirapang 3-6, 6-3, 6-3 desisyon kontra Juan Martin del Potro ng Argentina.

Nahila ni Nadal, nagwagi ng anim na titulo ngayong season nang makopo ang China Open sa nakalipas na linggo, ang winning streak sa 16 laban. Nakamit ng Spaniard ang 16 Grand Slam men’s singles trophies matapos madomina ang French at US Open ngayong taon.

Target naman ni Federer ang ikaanim na titulo ngayong taon matapos magwagi sa Australian Open at Wimbledon para sa ika-19 Grand Slam title.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tangan ni Nadal ang 23-14 winning record kontra Federer, ngunit naipanalo ni Federer ang huling apat na paghaharap, kabilang ang tatlo ngayong season.

“I’m not sure what the stat is because most of them, half of them, maybe, were in finals and that’s why the rivalry is so special,” pahayag ni Federer. “I enjoy playing against him even if the head-to-head is not in my favor. He’s one of the guys who’s made me a better player. I don’t want to thank him for that, but it made me go back and rework my game.”

Nahila ni Nadal, finalist dito noong 2009, ang dominasyon kay Cilic sa lima sa huling anim na pagtutuos.

Hindi pa natatalo si Nadal sa kanyang service sa nakalipas na 32 laro, ngunit nagawang manalo ng fourth-seeded na si Cilic sa ikaanima t ika-10 laro sa second set.

“Is true, sometimes I get frustrated too,” pahayag ni Nadal, patungkol sa paghampas niya sa raketa nang sumablay sa back hand return.