Mariing pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang kamakailang kumakalat sa social media na umano’y pagtanggal ng Grade 11 at 12 sa darating na school year 2026-2027.
“Ka-DepEd, fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano’y pagtanggal ng Grade 11 at 12 para sa School Year 2026-2027,” saad ng ahensya sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Marso 14.
Kaya paalala ng DepEd sa publiko, maging mapanuri sa mga impormasyong mababasa sa social media at iwasang i-reshare ang mga impormasyong hindi beripikado ng kanilang ahensya.
Anila pa, tiyakin na opisyal na social media accounts lamang ng DepEd ang pagkuhanan ng mga impormasyon at anunsiyo hinggil sa basic education upang maiwasan ang pagkalat ng misinformation.