SAYA-SAYA! Nagdiwang sa center court ang National University Lady Bulldogs, sa pangunguna ni MVP Jaja Santiago, matapos gapiin ang FEU Lady Tamaraws sa Finals ng PVL Collegiate League. (MB photo | RIO DELUVIO)
SAYA-SAYA! Nagdiwang sa center court ang National University Lady Bulldogs, sa pangunguna ni MVP Jaja Santiago, matapos gapiin ang FEU Lady Tamaraws sa Finals ng PVL Collegiate League. (MB photo | RIO DELUVIO)

MATAPOS parangalan bilang Conference MVP, pinangunahan ni Jaja Santiago ang National University sa 25-22, 25-19, 19-25, 25-16 , paggapi sa Far Eastern University upang tanghaling kampeon ng inaugural Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan nitong Sabado ng gabi.

Dahil sa panalo, nakumpleto ng Lady Bulldogs ang nine-game sweep.

Nakabangon ang Lady Bulldogs sa kabuuang natamo sa third set at malamyang simula sa fourth upang makatabla sa 10-all at mula roon ay rumatsada na para umagwat ng 17-10,at di na lumingon pang muli para maangkin ang titulo.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Bagama’t natalo, taas noo pa rin ang Lady Tamaraws dahil binigyan nila ng matinding laban ang Lady Bulldogs kahit wala ang kanilang top players. Nagtala sina team skipper Bernadeth Pons at Kyla Atienza na lumaban para sa FEU sa UAAP beach volley meet.

Nauna rito, tinanggap ni Santiago ang kanyang MVP award kasama ang mga teammates na sina Risa Sato at Gayle Valdez na tinanghal na 2nd Best Middle Blocker at Best Libero, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang individual awardees ay sina Adamson hitter Christine Soyud (1st Best Outside Spiker), Regine Arocha ng Arellano (2nd Best Outside Spiker), Jeanette Villareal ng FEU (1st Best Middle Blocker), Toni Rose Basas ng FEU (Best Opposite Spiker), at Arellano playmaker Rhea Ramirez (Best Setter).

Samantala, kinopo ng Arellano University ang third place matapos talunin ang Adamson 25-22, 25-19, 19-25, 31-29 sa pamumuno ni Arocha na nagposte ng 19-puntos. - Marivic Awitan