Direk Joey at Maxine
Direk Joey at Maxine

Ni NORA CALDERON

NAPAKA-SWEET kausap ni Maxine Medina, kaya hindi na kami nagtaka nang magpasalamat siya kay Direk Gina Alajar na siyang nag-handle ng workshop niya para sa first movie niyang Spirit of the Glass 2: The Haunted for OctoArts Films and T-Rex Entertainment.

“Hindi po kasi ako marunong sumigaw at magalit, kaya talagang nahirapan akong gawin ang ipinagawa sa akin ni Direk Gina sa workshop,” kuwento ng Binibining Pilipinas Universe 2016. “Pero thankful po ako na hindi niya ako iniwanan hanggang hindi ko nagawa ang exercises na ibinigay niya sa akin. Nagpapasalamat din po ako sa suporta ng mga kasama ko sa movie, lalung-lalo na kay Direk Joey Reyes. Isa pong magandang experience sa akin ang first movie ko dahil sa bonding na nabuo sa amin ng buong cast.”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Co-stars ni Maxine sa first movie niya sina Cristine Reyes, Benjamin Alves, Daniel Matsunaga, Ashely Ortega, Enrico Cuenca, Terry Malvar, Dominic Roque, Ahron Villaflor at Janine Gutierrez in a very special role.

Marami ang nagtaka na pinasok ni Maxine ang showbiz dahil noong reign niya as Binibining Pilipinas-Universe, nakatikim siya ng bullying sa netizens na ayaw sa kanya, lalo na nang maging number six lang siya sa Miss Universe beauty pageant.

“Hindi po ako pinanghinaan ng loob, sa halip ginawa ko iyong inspirasyon. Kahit po ngayon, kung mahirap ang eksena, sa halip na matakot ako, nilalakasan ko pa ang loob ko. Kahit nga po matatakutin ako, hindi ko tinanggihan ang first movie offer sa akin ni Boss Orly Ilacad. Gusto ko rin pong sa pamamagitan ng movie, matanggal ko ang takot ko sa panonood ng horror movies at sa mga kuwento tungkol sa multo. Iyon po kasing bahay ng lola ko, may mga nagsasabing meron daw multo, pero wala po naman akong nakikita.”

Very supportive kay Maxine ng kanyang boyfriend na si Marx Topacio, ito ang nag-encourage sa kanya para pasukin ang showbiz.

Nauna na kasing nag-artista sa kanya ang model-boyfriend niya kaya naniwala siya rito. Plus may dugong artista rin ang pamilya ni Maxine dahil sa first cousin niyang si Diane Medina. Biniro tuloy si Maxine na baka sumunod na sila ni Marx after ng wedding proposal ni Rodjun Cruz kay Diane last October 10.

“Hindi po, wala pa kaming balak ni Marx na magpakasal, dito na muna ako sa showbiz dahil ini-enjoy ko ang trabaho ko rito. Si Marx din po ay may gagawing project sa GMA Network.”

Mapapanood na ang Spirit of the Glass 2:The Haunted simula sa November 1 in cinemas nationwide.