Ni ADOR SALUTA
HINDI direktang sinasabi na si Vice Ganda ang dahilan kung bakit laging wagi sa Kantar survey ang It’s Showtime ng ABS-CBN, pero aminado ang lahat ng viewers na ‘pag absent siya, nakukulangan sila sa sayang dulot ng panonood sa programa.
Marami ang nakaka-miss sa jokes ni Vice pero tumututok pa rin ang mga suking viewers sa It’s Showtime dahil sa mainitang tunggalian sa “Tawag ng Tanghalan” at sa “Miss Q and A” portions.
Sinisigurado ni Vice at determinado siyang ipagpatuloy ang pagpapasaya ng mga tao, sa kabila ng pagod na kanyang nararamdaman dahil sa trabaho na siyang dahilan kung bakit nawawala siya kung minsan sa programa.
Isa sa kanyang mga adbokasiya ang magpasaya ng tao. Marami raw kasi ngayon ang “sad, lonely and down.”
Ito ang mensahe ni Vice sa kanyang Twitter account nitong nakaraang Miyerkules, hindi siya titigil sa pagpapangiti ng mga tao.
“I wanna make them smile,” tweet niya.
Napapanahon ang mensaheng ito ni Vice dahil mainit na usapin ngayon tungkol sa depression.
Katulad na lamang ng pinagdaraanan ngayon ni Nadine Lustre na co-host niya sa Kapamilya noontime show.
Nagdadalamhati ngayon ang 23-anyos na aktres sa pagkamatay ng nakababatang kapatid na si Isaiah ilang araw bago tumuntong sa 17 taong gulang.
Nag-suicide ang kapatid nito dahil sa matinding depresyon.
Maging si Nadine ay umaming nakararanas din ng depresyon.