NAISALPAK ni Arnold Cagang ng Tiebreaker Times ang buzzer-beating jumper para sandigan ang UAAP Media sa makapigil-hiningang 104-102 panalo kontra Stats sa UAAP Season 80 Goodwill Games nitong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Nanguna si Jerome Lagunzad ng Manila Bulletin/Tempo sa naiskor na 30 puntos, 10 rebounds at tatlong assists, habang kumana si Cedelf Tupas ng Inquirer ng 26 puntos, walong assists at apat na boards.

Kumubra si Cagang ng 24 puntos at 12 rebounds, habang nag-ambag si Christian Jacinto ng Spin.ph ng 15 puntos at siyam na boards.

Malaki rin ang naiambag nina Joel Orellana ng Manila Times, Brian Ulanday ng Tribune at Bong Lozada ng Inquirer.net.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kalahok din sa torneo ang ABS-CBN Sports at season host Far Eastern University.

Iskor:

UAAP Media (104) - Lagunzad 30, Tupas 26, Cagang 24, Jacinto 15, Orellana 5, Ulanday 4, Lozada 0.

Stats (102) - Serrano 40, Lee Yu 24, Paterno 12, Bayais 9, Ducanes 9, Saguisag 8.

Quarterscores: 18-15, 40-47, 75-76, 104-102