KINUMPLETO ng Ateneo de Manila University ang dominasyon sa Far Eastern University, 25-21, 25-22, 25-16, kahapon para walisin ang best-of-three title series at tanghaling kampeon sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference men’s division sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Sinandigan nina top setter Ish Polvorosa at ace spiker Marck Espejo ang ratsada ng Blue Eagles para pataubin ang Tamaraws at angkinin ang ikatlong collegiate title mula nang pagbidahan ang dating V-League noong 2015 at 2016.

Nakuha ng Katipunan-based squad ang Game One, 25-22, 25-20, 25-19, nitong Miyerkules.

Walang pinagiba ang sitwasyon sa kanilang unang pagtatagpo sa Finals nang madomina ng Blue Eagles ang laro at matatag na hinaharp ang pagtatangka ng Tamaraws na makahabol sa momentum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naghabol nang bahagya ang Blue Eagles huli’s 19-17 sa second set, ngunit matikas na tumirada ang opensa ni Espejo para kunin ang set point.

Sinimulan ang Ateneo ang third set sa 6-1 bentahe at hindi na nakaporma ang FEU.

Nakamit naman ng University of Sto.Tomas ang ikatlong puwesto nang pabagsakin ang National University, 21-25, 30-28, 28-26, 25-21.

Nanguna sina Joshua Umandal at Manuel Medina sa Tigers sa naiskor na tig-15 puntos.

Naging doble ang selebrasyon ng Ateneo nang tanghaling MVP si Espejo.

Naitala ni Espejo, tinanghal ding 1st Best Outside Spiker, ang averaged 18.14 points per game sa elimination round.

Nakuha niya ang kahanga-hangang 62.86% success rate sa spike.

Bukod kay Espejo, four time UAAP MVP, nakakuha rin ng individuwal honor sina Blue Eagles libero Manuel Sumanguid bilang Best Libero at Ish Polvorosa, bilang Best Setter.