Ni: Fer Taboy

Sa mas pinaigting na operasyon ng pulisya kontra krimen, mahigit 200 katao ang inaresto sa Caloocan, at Parañaque, Metro Manila.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tinanggap mula sa Caloocan City Police District (CCPD) at Parañaque City Police Station (PCPS), umabot sa 200 ang hinuli sa pag-inom ng alak sa kalye at paglalakad sa kalsada nang nakahubad baro.

Bukod pa rito, inaresto ang mga menor de edad na lumabag sa curfew at lima ang dinakip dahil sa warrant of arrest.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa halip na ikulong at pagmultahin ang mga nahuli, pinag-push up na lamang ang mga ito.

Samantala, sa Parañaque City, pinagmulta ang mga nahuling nag-iinuman sa pampublikong lugar.

“Naging fully aware ang taumbayan sa ipinatupad at pagsunod sa tamang sistema kaya kunti na lang ang nahuli ngayon,” ayon kay Senior Supt. Leon Victor Rosete, hepe ng PCPS.