Ni: Gilbert Espeña

NAKOPO ni WBO welterweight champion Jeff Horn na magtatagumpay sa kanyang unang depensa ng korona laban kay No. 10 contender Gary Corcoran ng United Kingdom na gaganapin sa kanyang teritoryo sa Disyembre 15 sa Brisbane, Queensland, Australia.

Naagaw ni Horn ang titulo kay eight-division world titlist Manny Pacquiao at itinakda ang kanilang rematch sa Nobyembre ngunit gusto ng Pinoy boxer na gawin sa Maynila ang laban.

Para sa trainer ni Horn na si Glenn Rushton tiyak na tatalunin ng kanyang boksingero si Corcoran na may kartadang 17-1-0 win-loss-draw na may 7 panalo sa kncokouts at natalo lamang sa kababayang si super welterweight contender Liam Williams.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“He (Corcoran) comes to fight, he’s a tough boy,” sabi ni Rushton sa Boxingscene.com sabay pagtiyak na maghaharap sina Horn at Pacquiao sa Abril 2018 sa Brisbane pa rin.

“July to December that’s five months, that’s certainly long enough out of the saddle,” diin ni Rushton. “Manny Pacquiao isn’t available, we need to keep him (Horn) fighting we need to keep him active The plan is to get this one done and then hopefully next April we’ll get Pacquiao back to Brisbane.”

Nagpatuloy lamang sa hinay-hinay na pagsasanay si Horn na desmayado sa pag-atras ni Pacquiao sa kanilang rematch.

“He’s in a maintenance phase at the moment, I’m not pushing him too hard but also not letting him go too soft,” dagdag ni Rushton.