Ni Edwin G. Rollon

PAALAM Sports 5. Welcome ESPN 5.

Bilang pagtugon sa lumalaking demand para sa mas maaksiyong sports programming, ipinahayag kahapon ni TV5 Network Inc. president Vincent ‘Chot’ Reyes ang pakikipagtambalan ng local sports network sa pamosong ESPN.

reyes copy copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Our partnership with ESPN, long recognized as the worldwide leader in sports, gives us tremendous upside in the quality of sports programming that we bring to the market,” pahayag ni Reyes sa media conference para sa pormal na paglulunsad ng ESPN 5 kahapon sa Snaps Sports Bar ng Sofitel-Philippine Plaza Hotel.

“ESPN strengthens our current position as the country’s sports authority. It is also a testament to our belief that the Filipino audience deserves the world’s best in sports content and programming,” aniya.

Ayon kay Reyes, bagong mukha ng sports programming an g mapapanood ng mga Pinoy, maging ng mga tagapagtangkilik sa abroad dahil sa alyansang nilagdaan ng ESPN – ang pamosong sports network sa mundo.

“ESPN’s focus around the world is simple: to serve sports fans. This long-term collaboration across television and digital allows us to jointly serve millions of sports fans in the Philippines with exceptional content and coverage.

We are very excited about the opportunities that lie ahead as we bring ESPN’s great content and decades of experience in sports media together with a dynamic leader in Philippine sports broadcasting like TV5,” sambit ni Mike Morrison, vice president and general manager ESPN APAC sa opisyal na pahayag.

Batay sa kasunduan, binigyan ng ESPN ang TV5 nang mahigit 2,500 oras para sa karagdagang programming. Gagabayan din nila ang pagbuo ng Philippine edition ng iconic ‘SportsCenter’.

Bukod sa regular coverage ng PBA, FIBA, Gilas Pilipinas, UFC at PSL, ipalalabas din sa ESPN 5 ang mahigit 70 laro ng National Football League, kabilang ang pamosong ‘Monday Night’, ‘Sunday Night’ at playoff games. Nakalinya rin ang NBA at Super Bowl.