Ni: Marivic Awitan

SAKABILA nang kakulangan sa playing days ng De La Salle University, nangunguna pa rin ang Cameroonian star na si Ben Mbala sa UAAP Men’s Basketball Most Valuable Player race.

Nakapagtala ang 22-anyos reigning MVP ng kabuuang 98 statistical points, na galing sa naitalang average na 30.4 puntos,bilang league leading scorer, 11.8; rebounds at 2.0 blocks kada laro sa pagtatapos ng first round elimination.

Pumapangalawa sa kanya si Ateneo de Manila University all-around forward Thirdy Ravena na may 66 SPs na panglima sa league leading scorers sa average nitong 14.9 puntos, at pangwalo sa rebounds sa kanyang 8.9 average.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa ikatlong puwesto naman si Papi Sarr ng Adamson Falcons na may 65.167 SPs. May average 12.7 puntos at league leading 13.2 rebounds si Sarr.

Nasa pang-apat si National University skipper J-Jay Alejandro na may 62.71 SPs matapos magtala ng 17.9 puntos at 5.4 assists na average kada laro.

Panglima naman ang scoring machine na si Alvin Pasaol ng University of the East Red Warriors na may 61.00 SPs mula sa average nitong 22.4 puntos at 5.1 rebounds.

Kasunod niya bilang pang-anim si Paul Desiderio ng University of the Philippines na may. 57.14 SPs.

Ang iba pang nakapasok sa top 10 ay sina Chibuezeh Ikeh ng Ateneo na may 55.57 SP”s, Issa Gaye ng NU na may 53.29 SP’s, Alvin Melecio ng DLSU na may 52.5 SP’s at Steve Akomo ng University of Santo Tomas sa may 51.2 SP’s.