KUALA LUMPUR (Reuters) – Inaresto ng Malaysia ang apat nitong mamamayan at apat pang dayuhan, kabilang ang tatlong Pilipino, sa umano’y pagkakasangkot sa terrorist activities na iniuugnay sa Abu Sayyaf, Islamic State, at Jemaah Islamiah, sinabi ng awtoridad nitong Sabado.

Kabilang sa mga dayuhan na inaresto ang tatlong Pilipino, isa sa mga ito ay permanenteng nakatira sa Malaysia, at isang Albanian.

Sila ay inaresto sa Sabah, Selangor at Perak sa pagitan ng Setyembre 27 at Oktubre 6.

Lima sa mga suspek ang inaresto sa Borneo state of Sabah, sa hinalang tinutulungan ang Abu Sayyaf sa pag-atake sa Malaysia.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ng pulis na ang inarestong Albanian, na law lecturer sa isang local public university, ay nakikipag-ugnayan sa Islamic State.

Dati namang bilanggo ang dalawa pang inaresto at nahatulang guilty noong 2016 sa pagkakasangkot sa terrorist activities.

Ang isa ay inaresto sa paghihinalang nagre-recruit ng mga bilanggo at planong pag-atake sa dalanginan ng mga Muslim, Christian at Hindu sa Malaysia.

Daan-daang katao na ang inaresto ng Malaysia sa mga nakalipas na taon dahil sa pagkakasangkot sa militanteng grupo.