Ni LITO T. MAÑAGO

NAKAHINGA na ng maluwag ang producers ng Bomba (The Bomb) na co-production venture ng ATD Entertainment Productions ni Allen Dizon at Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista, nang mabigyan ng R-13 rating ang pelikula ng Movie and Television Review and Classification (MTRCB) nang iapela ito para sa second review nitong Thursday, October 5.

ALLEN DIZON copy

Noong Lunes, October 2, pinatawan ng X-rating ng MTRCB nang isumite ang pelikula for review bilang requirement para sa local theatrical release.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Sa ipinost na rason sa Facebook (FB) page ng line producer na si Dennis Evangelista kung bakit nabigyan ito ng X-rating ng two reviewing members (2 out of 3 sa botohan), dahil diumano sa mga sumusunod: “material contains adult theme; blood and violence; illicit relationship with a minor; children using cuss words and language and depiction of improper use of uniform at no redeeming value.”

Naiapela ito ng director na si Ralston Jover at ng production outfits nu’ng Thursday ng hapon at positibo naman ang kinalabasan ng kanilang apela sa censor’s office.

Sa halip na X-rating, pagkatapos ng second review, naibaba ito sa R-13 rating. Sa apela at second review, limang committee members ang naatasang magrebyu ng pelikula – binubuo nina Alexis Lumbatan, Cristina Concordia, Alfonso Mendoza, Roland Tolentino at Bibeth Orteza.

Saad ng line producer ng Bomba sa kanyang FB page, “Good news that in our second review at MTRCB held yesterday, Thursday we got our desired R-13 rating without any cuts. Thanks to all those who supported us in our fight.”

Reaksiyon naman ng direktor sa kanyang FB page, “Quickly resolved. Thanks to the new viewing members of the MTRCB.

They classified. Their collective comment is perfectly attuned to our best intentions for our film. Heartfelt thanks.”

Sa pag-grant ng MTRCB ng R-13 sa pelikula, nakasaad sa permit na, “The film is attuned with the event of the times.

No accusing finger is pointed to anyone or any sector of the society. The relationship between the adult and the minor is implied, and there is not even a kissing scene or a torrid embrace. The content of the film falls within the parameters of the applicant’s preferred classification of R-13.”

Ang pelikula ay pinagbibidahan ng Urian Awardee na si Allen Dizon at official entry ng Pilipinas sa A-listed na 33rd Warsaw International Film Festival (WIFF) sa Poland.

Wala pang eksaktong theatrical release ang pelikula pero dinig namin ay ipalalabas ito pagkarapos ng Warsaw filmfest.

Sa nabasa naming release, gumaganap si Allen bilang deaf and mute na nagkaroon ng relasyon sa 16-year old girl na ginagampanan ni Angeline Nicholle Sanoy (Golden Screen Awardee for Breakthrough Performance ng Enpress) pero hindi ito sexy movie kundi tumatalakay sa extra-judicial killings.

Ang Warsaw film festival ay magaganap naman sa October 13 to 22.