Ni: Nitz Miralles

UMINGAY na naman ang fans/bashers/haters nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa bagong photo na ipinost ng huli sa Instagram (IG). Hindi kita ang mukha at hindi pa nga sure kung si John Lloyd ang kayakap ni Ellen na nakasuot ng t-shirt na may nakasulat na, “Possessed” pero grabe na agad ang comments at may 35,238 likes at views na.

ELLEN copy copy

Wala ring inilagay na caption si Ellen sa photo, pero feeling ng netizens, si John Lloyd ‘yun kaya may mga nag-comment na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa. May nagsabi pang bagay ang dalawa dahil pareho ng lifestyle.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero mas marami ang pabor sa relasyon nila John Lloyd at Ellen, marami ang kinikilig at pinayuhan ang dalawa na deadmahin ang bashers at magpakaligaya sila na magkasama at nagmamahalan.