Ni LIEZLE BASA IÑIGO

Umabot na sa anim ang nasawi habang 28 naman ang pasaherong nasugatan makaraang magkasalpukan ang dalawang van sa Barangay Baculud sa Amulung, Cagayan, nitong Linggo.

Ayon sa huling report mula kay Chief Insp. Manuel Viloria, hepe ng Amulung Police, lumilitaw na overloading ang isa sa mga dahilan ng aksidente, matapos madiskubreng sumabog ang gulong ng Isuzu van kaya nakuha nito ang lane ng Toyota van.

Napaulat na nasawi sina Reynalda Tolentino, residente ng Baggao; Erlinda Duran, ng Alcala; Marivic Battung, taga-Baggao; Flordeliza Sales, ng Alcala; Hemilita Cadiz, ng Baggao; at isang hindi kaagad napangalanan na binawian na rin ng buhay kahapon.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Ilan sa mga nasugatan ang kinilalang sina Samsung Catolus Sr., at Samsung Catolus Jr., kapwa ng Baggao; Marites Baril, 38; Kerby Baril, 8; Kim Baril, 5, pawang taga-Maynila; Katherine Rodriguez, 23, ng Baggao; Dona Llenilo, 21, taga-Baggao; Jonathan Dubaran, 7; Jerico Soliman, 22, ng Baggao; Mary Ann De Leon-Alcala, 36; Izelle Natividad, 29, residente ng Baggao.

Sugatan din sina Zenaida Gammad, 60, ng Alcala; Mario Danao, 37, ng Iguig; Jenifer Guiterring, 30, ng Peñablanca; Maricris Anzia, at hindi napangalanang anak niyang babae, kapwa taga-Baggao; Jonathan Duran, 8, ng Alcala; Jonito Sarayna, 22; Loida Bartolome, 55; Princess Sadanan, 2, pawang taga-Baggao, at walong iba pa.