GINAPI ng Arellano University ang University of the Philippines, 22-25, 25-10, 25-19, 32-34, 15-3, kahapon para makopo ang semi-final berth sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa The Arena sa San Juan.

Nakopo ng Lady Chiefs ang ikaapat na panalo sa limang laro para pangunahan ang Group B.

Nanguna si Arellano skipper Jovielyn Prado sa naiskor na 26 na puntos, tampok ang 23 kills at 17 excellent receptions. Nag-ambag si Regine Arocha ng 25 puntos, habang tumipa si Necole Ebuen ng 15 puntos, at kumana si Andrea Marzan ng 10 puntos.

Makakaharap ng Arellano ang Adamson University sa best-of-three semis.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“After ng game namin sa Adamson, malaki nang in-adjust namin, kasi ang laki talaga ng kakulangan namin. Napakaganda na mahaba ang preparation namin before sa UP,” sambit ni Arellano Coach Obet Javier.

Kumubra si Diana Carlos ng 29 puntos, at tumipa si Isa Molde ng 20 puntos para sa Lady Maroons, bumagsak sa 3-2.