Ni: Mary Ann Santiago

Binalaan ng Manila City government ang publiko hinggil sa inaasahang pagkalat ng botcha o double-dead na karne sa mga pamilihan, lalo na ngayong “ber” months.

Mismong si Manila Mayor Joseph Estrada ang nagbigay-babala kasunod ng pagkakakumpiska sa double-dead na lechon na ibinebenta sa labas ng Paco public market.

Kaagad ipinag-utos ni Estrada ang pagsasagawa ng masusing inspeksiyon sa mga pamilihan, upang matiyak na walang botcha na makapapasok at maibebenta sa siyudad.

National

VP Sara, itinuturing na ‘mastermind’ sa assassination plot vs PBBM – DOJ

Sinabi ni Estrada na dahil papalapit na ang Pasko, inaasahan niyang magiging talamak na naman ang botcha sa mga palengke dahil sa matinding pangangailangan sa karne.

“This is our concern every Christmas season so I have ordered our inspectors to intensify their inspection of public and privately-owned markets, even those big supermarkets and groceries, to intercept those hot meat,” pahayag ng alkalde.

Ayon kay Estrada, iniutos na rin niya sa Veterinary Inspection Board (VIB) na kasuhan ang sinumang mapatutunayang nagbebenta ng botcha.