Ni: Joseph Muego.

NADALE ng isang masugid na bettor mula sa Pasay City ang jackpot sa 6/45 Mega Lotto draw nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ni PCSO General Manager Alexander F. Balutan na tinamaan ng hindi pa nakikilalang bettor ang six-digit winning combination na 06-16-09-12-13-29 na may premyong P36,376,444.00

Nakarehistro na natayaan ang kombinasyon sa lotto outlet sa Victory Mall sa Pasay City.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon kay Balutan, may kabuuang 62 bettors ang tumama ng limang numero na nagkakahalaga ng P14,760.00 bawat isa.

Ang 6/45 Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.