Ni: Noel Ferrer

DALAWANG dula na revival ngunit napapanahon at relevant pa rin sa mga nangyayari sa kasalukuyan ang magbubukas ngayong linggo.

Lara Maigue copy copy

Una ang Maynila... sa mga Kuko ng Liwanag , isang musical base sa nobela ni Edgardo Reyes (at hindi sa pelikula) sabi ng direktor ng dula na si Joel Lamangan with music by Von de Guzman and choreography by Douglas Nierras.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tampok sina Arman Ferrer (as Julio Madiaga), Shiela Valderrama-Martinez at Lara Maigue (as Ligaya Paraiso). Kasama rin sina Aicelle Santos, Dulce, Ima Castro, Rafa Siguion Reyna, Khalil Kaimo at marami pang iba. 

May group purchase treats o discounted rates for “barkada buys”para sa kick-off shows bukas, Sept. 30 at sa Oct. 1 matinee (3 PM) at gala shows (8 PM) sa Kia Theatre, Araneta Center.

Ang mga nagpaplanong manood kasama ang pamilya o mga kaibigan ay may 20% discount sa limang tickets or more na bibilhin. Hindi na kailangan ang promo codes, kailangan lang dumiretso sa Ticketnet Box Office sa Araneta Coliseum Circle o sa SM malls, o sa online.

For more information, visit www.facebook.com/Maynila.themusical/. For tickets, visit Ticketnet outlets, order online at www.ticketnet.com.ph.

Ang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag ay ipapalabas sa Kia Theater simula bukas hanggang October 6.