Ni JIMI ESCALA

VERY reliable ang source na nagbalita sa amin na humihingi na si Luis Manzano ng basbas sa mga magulang na sina Rep. Vilma Santos at Edu Manzano hinggil sa plano ng TV host na pagpapakasal nila ni Jessy Mendiola.

JESSY AT LUIS copy

Kaya agad naming tinawagan si Luis na hindi naman itinanggi na nakaplano na nga raw ang bagay na ‘yun, pero kung kailan ay hindi pa naman daw siyang mababanggit sa amin. Basta ang sigurado sa kanya ngayon, si Jessy na ang gusto niyang iharap sa altar.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

“Nakikita ko na sa sarili ko sa future ko na siya na ‘yun. Kumbaga, kung tatanungin ninyo ako ngayon kung ano ang nakikita ko sa magiging future wife ko at ina ng mga magiging anak ko, eh, mukha na ni Jessy ang nandiyan.

“Kaya nga nagpapasalamat tayo sa Itaas dahil dumating siya sa buhay ko. And to tell you, never pa akong naalagaan ng ganito. And it sounds selfish na kaya ako happy dahil may ginagawa siya para sa akin, hindi ‘yung ganu’n.

“Kumbaga, kaya ganito ako ka inspirado dahil and’yan siya. Sobrang maalaga siya. Ipinapakita niya at ipinadama niya ‘yun sa akin,” seryosong sabi ni Luis.

Ipinagmamalaki niya ang pagiging maalaga ni Jessy.

“Sa totoo lang, dahil sa sobrang alaga niya sa akin at ‘pinapakita niya sa akin kung kaya I want to be a better man, a better person dahil nga sa ipinapakita niya sa akin. And very thankful talaga ako na our paths did cross,” lahad pa ng premyadong TV host.

Pareho raw nilang hindi inakala na magtatagpo ang landas nila.

“Never naming inisip na maging kami. Unang-una nga, eh, ‘yung age gap namin, ang layo... ang layo ng mga nakakahalubilo niya sa mga nakakahalubilo ko. So, the fact na nagkrus kami in a romantic way, parang doon pa lang nagpasasalamat na ako sa Itaas,” banggit ni Luis.

Inamin niya na may pagtatalo pa rin naman sila ni Jessy pero hindi nila ito pinatatagal, pinag-usapan agad nila ang anumang tampuhan.

Kapag medyo down at may mga problema siya sa trabaho, si Jessy agad ang nagsisilbing driving force ng positivity.

Kakampi, inspirasyon, bodyguard, cheerleader, at girlfriend rolled into one ang dalaga sa buhay niya.

“Thankful ako sa kanya, dahil she fits all those roles sa buhay ko,” sey pa niya.