Ni: Bert De Guzman

Inihayag ni Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng House Committee on Appropriations, na dalawang bagay ang kanilang ikinonsidera sa pagpasa ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa sa P3.767 trillion General Appropriations Bill (GAB) nitong Martes ng gabi.

“We have considered at least two major factors in making our adjustments. One is urgency and another is capacity. We carved out budgets depending on the urgency of certain projects and programs that require allocation and depending on the capacity of implementing agencies to really put their funds to good use,” lahad ni Nograles.

Kasama sa paglalaanan ng pondo ang P40 bilyon para sa libreng pag-aaral sa kolehiyo o “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” o Free Higher Education Law.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador