Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Inatasan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang lahat ng opisina ng pamahalaan, state universities and colleges (SUCs), at mga pampublikong paaralan sa lahat ng antas na mag-display o mag-exhibit ng larawan ng mga pambansang bayani.

Ito ay matapos ipahayag ni Duterte noong Hulyo ang plano niya na ipagbawal ang pagkabit ng kanyang mga litrato at iba pang mga opisyal pamahalaan sa mga nasabing lugar.

“I intend to issue a decree. Ipatanggal ko ‘yung mga litrato namin. Pagpasok niya, litrato niya. Na-buang man ‘yung mga ganoon na tao,” aniya sa kanyang talumpati sa harapan ng mga sundalo.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

Sa Memorandum Circular (MC) No. 25 ng Pangulo, ang lahat ng instrumentalities, kabilang ang government-owned or -controlled corporations, ay inaatasan din na mag-display o mag-exhibit ng mga litrato, painting, o iba pang uri ng visual representation ng mga bayani ng Pilipinas na tinukoy ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Ang mga bayaning ito ay kinabibilangan nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Juan Luna, Melchora Aquino, Gabriela Silang, Lapu-Lapu, Father Jose Burgos, Father Mariano Gomes, Father Jacinto Zamora, Emilio Jacinto, at Jose Abad Santos.

Ang larawan ng mga bayani ang papalit sa mga litrato, painting, o iba pang visual representations ng mga halal o itinalagang opisyal ng pamahalaan.

“It is the policy of the State to promote and popularize the nation’s historical and cultural heritage,” ani Duterte sa nilagdaan niyang MC noong Setyembre 15, 2017.

Dati nang sinabi ng Pangulo na hindi niya gusto ang ideya na mag-display ng mga litrato ng mga politiko o opisyal ng bayan.

“Gusto ko ‘yung mga hero natin. Ma-emulate ng mga bata. Eh ‘yung iba diyan sa picture limang beses na dumaan ng graft and corruption sa kaso, eh,” diin niya.