HANDA na ang sumisikat na Pinoy boxer na si Michael “Hot & Spicy” Dasmarinas sa kanyang debut fight sa pangangasiwa ng Singapore-based sports management and boxing promotions outfit RingStar Boxing.

dasmarinas copy

Mapapalaban siya kay Thai Phupha Por Nobnom sa ‘The Toar of Singapore III: The Chosen Wan sa October 20 sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Centre.

Tangan ng 25-anyos na si Dasmarinas ang record na 25-2. Nakamit niya dati ang WBC World Youth Super Flyweight championship.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inamin ni Dasmarinas na malaki ang naitulong ng kanyang paghanga kay Manny Pacquiao para magpursigeng umasenso sa sports at maging world champion.

“Masaya na ako noon sa halaga na iyon, maski papaano kumita ako ng pera. Naging inspirasyon ko ito para ipagpatuloy ang boxing,” pahayag ni Dasmarinas patungkol sa P200 na dati iyang kinikita sa paglaban sa amateur.

“Handa na po ako para sa laban ko sa Singapore. Sana po suportahan po ito ng mga kababayan nating Pilipino, lalo na yun mga nasa Singapore,” aniya.

Itinataguyod ng International Boxing Organization (IBO) ang The Roar of Singapore III.