Ni: Aaron Recuenco at Charissa Luci-Atienza

Hinimok kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang mga driver ng TNVS (transport network service vehicle) gaya ng Grab at Uber na busisiin muna ang lahat ng package na nais na ipa-deliver ng kanilang kliyente.

Ito ay sa harap ng mga ulat na ginagamit ng mga drug trafficker ang mga TNVS sa kanilang mga ilegal na aktibidad, nang walang kaalam-alam ang mga driver.

Sinabi ni Chief Supt. Arnel Escobal, director ng PNP-Highway Patrol Group (HPG), na ang pinakamainam na paraan upang hindi magamit ng mga drug personality ang mga TNVS ay ang pagkukusa ng mga driver na nasuri ng mga ito nang mabuti ang mga package bago i-deliver ang mga ito.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“They can actually do that just to make sure that what they are delivering are not illegal drugs or any other contraband,” ani Escobal.

Sa pagpapatupad ng check-first-before-deliver policy, sinabi ni Escobal na matatakot ang mga sangkot sa droga na gamitin ang TNVS sa paged-deliver ng mga droga.

Aniya, magbibigay din ito ng proteksiyon sa mga walang kamalay-malay na driver, dahil sakaling mahulihan ng pulis ng kontrabando sa kanilang sasakyan ay aarestuhin pa ang mga ito at posibleng tuluyang kasuhan.

Ito ang inihayag ni Escobal sa press briefing kahapon sa pagsisimula ng training program para sa mga Grab driver bilang force multiplier ng PNP, partikular na ng HPG.

Kaugnay nito, nangako naman ang House Committee on Dangerous Drugs na magsasagawa ng motu proprio investigation sa posibleng pagkakasangkot ng mga driver ng TNVS sa bentahan ng droga.

Sinabi ni Surigao Rep. Robert Ace Barbers, panel chairman, na magtatakda pa lang sila ng petsa sa pagdinig, dahil kailangan niya pang konsultahin ang mga miyembro ng komite.

“As of now, there is no strict policy on that, that is why TNVS are now being used by drug dealers in their illegal trade. We will look into this,” sabi ni Barbers. “We don’t even know their policy. When you ask them to deliver documents from point A to point B what is the process? Will they check it, what if it is confidential, or the package has money?”