Ni NOEL FERRER

FIRST flight out last Sunday pabalik ng Los Angeles ang sinakyan ng kaibigan naming si Odette Quesada pagkatapos mag-guest sa aming programa sa radyo na Level Up Showbiz Saturdate.

Umuwi siya para sumama sa grupong sumuporta kay Fe de los Reyes na nag-show sa Teatrino na pinamagatang LolaLand.

ODETTE copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagkaroon ng memorable bonding ang magkakaibigang Odette, Fe at Kuh Ledesma sa Hacienda Isabella at umaasang magkikita-kita uli sa concert ni Kuh sa March at sa celebration ng 35th anniversary ni Odette bilang singer-songwriter next year.

Maraming rebelasyon si Odette katulad ng depression niya nang mamatay ang asawang si Bodjie Dasig noong 2012 at matagal siyang nagtago at nag-focus sa pagiging nanay sa anak nilang si Darian.

Bodjie (who composed such great hits like Sana Dalawa Ang Puso Ko and Ale) died of kidney cancer three months after his diagnosis.

“He was in absolute denial, ako naman I had to be strong for the family, so I just kept to myself,” sabi ni Odette whose hits like Friend of Mine, I Need You Back, Till I Met You, A Long Long Time Ago, Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say, at marami pang iba.

Bumati kay Odette si Lani Misalucha na isa sa gjnawan nila ng unang album at nakasama nila ni Bodjie sa ASAPinoy; at si Kuh Ledesma na nagsabing dapat ay gumawa pa ng maraming komposisyon si Odette na itinuturing nitong Carole King ng Pilipinas.

Maraming revelations si Odette, tulad ng huling album na ginawa nila ni Bodjie para kay Nora Aunor, ang Valentine gift sa kanya ni Bodjie na kantang Habang Panahon na hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin siya kapag naririnig.

“Parang isang anthem ng pamamaalam ito that it full of love. Ang galing talaga ni Ate Guy!” sabi niya.

Hindi pa niya makanta ito dahil hindi niya mapigilang umiyak kapag naririnig ito dahil sa sobrang pagmamahal na ipadama sa kanya ng kanyang yumaong asawa.

Asked kung ano ang kanta na maglalarawan sa buhay niya ngayon, “It’s funny but during my 50th birthday, hindi ko inakalang ang kantang To Love Again ang magiging theme song ng buhay ko ngayon.”

Kantiyaw tuloy ni Kuh, “Sana ma-in love ulit si Odette and when that happens, more good music will come out, I’m sure.” Na mabilis na sinagot ni Odette ng, “Ikaw muna kaya.”

Natahimik na lang si Kuh.