Nina LEONEL M. ABASOLA at MARIO B. CASAYURAN

Tiwala si Senador Panfilo Lacson na sapat na ang mga ipinakitang ebidensiya ni Mark Taguba upang madiin sa kurapsiyon si dating Bureau of Custom (BoC) commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon kay Lacson, malinaw ang text messages at log-in calls sa cellphone at ibang transaksiyon ni Taguba sa sindikato at kung paano ang takbo ng lagayan o “tara” sa BoC.

Bahala na aniya ang taumbayan na tumimbang dahil malinaw naman sa ipinakita ni Taguba sa pagdinig ng P6.4 bilyon shabu shipment kung saan ito patungo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinagbigyan si Lacson ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon Committee na iharap si Taguba sa pagdinig.

“Si commissioner Faeldon keeps on blabbering about the absence of evidence to prove corruption at Customs bureau.

Now, after we all witnessed the power point presentation presented by Taguba, the question will be repeated, is there corruption in the BOC?” anang Lacson.

Bumuwelta rin si Lacson sa pahayag ni Faeldon na matindi ang pagkahumaling niyang sirain ang dating Customs chief matapos nitong paimbestigahan ang kargamento ng anak ng senador.

“I’m really obsessed to pinning him down and to prove he’s involved in corruption. He said it right. Bullshit din siya. Siya nga yung nasa center ng tara eh,” ngitngit ni Lacson.

ETHICS VS TRILLANES

Kahapon, pansamantalang nakalabas si Faeldon sa detention room sa Senado para isampa ang ethics complaint laban naman kay Sen. Antonio Trillanes IV.

“I never denied that there is tara. I believe there is; but saying that I’m part of it, that’s really bullshit,” ani Faeldon.

Hiniling ni Faeldon ang suspensiyon o pagpapatalsik kay Trillanes sa Senado na aniya ay guilty ng unethical, unparliamentary at improper conduct bilang senador.

Sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Jose A. Dino Jr., hiniling ni Faeldon sa Senate Ethics Committee na pinamumunuan ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na magsagawa ng public hearing para magsumite si Trillanes ng mga dokumento o testimonya bilang batayan ng kanyang mga alegasyon na nagkasala si Faeldon ng serious criminal offenses kaugnay sa P6.4B shabu smuggling.

Minaliit ni Trillanes ang ethics complaint ni Faeldon, at iginiit na inilihis lamang nito ang isyu.

“I will face that ethics complaint squarely because I believe that I did not do anything to warrant such a case. I will also not allow it to divert the focus from the real issue, that the mastermind behind the P6.4-billion shabu shipment is Mr. Paolo Duterte,” ani Trillanes.