Inihayag ni Rep. Karlo Alexei Nograles, chairman ng House committee on appropriations, na ang kanyang komite ay nakakalap ng P40-bilyong pondo para sa libreng edukasyon sa kolehiyo sa 2018.

Ayon sa kanya, ang two-thirds ng pondo para sa free tertiary education ay nakuha mula sa Department of Education (DepEd).

“We got P30 billion from the Department of Education for their school building program. Particularly, those with problems sa site—no buildable space, no vacant lot. So any area na mayroong nafo-foresee na problem sa pagpapatayo ng bagong classroom or building. We were able to carve out P30 billion from that project,” ani Nograles.

Nakakuha rin ang komite ng P6 bilyon mula sa iba’t ibang scholarship programs ng state universities and colleges (SUCs) at sa Commission on Higher Education (CHED) at ang ibang pondo naman ay mula sa mga proyekto ng iba’t ibang ahensya, aniya. - Bert de Guzman

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente