Ni: Marivic Awitan

PINANINDIGAN ni Bong Quinto ang pagiging isang tunay na mandirigma nang kanyang pamunuan ang Letran para buhayin ang pag-asa nilang makahabol sa Final Four round na naging dahilan para tanghalin syang Chooks-To-Go -- NCAA Press Corps Player of the Week noong nakaraang linggo(Agosto 18- 24.)

Nagtala si Quinto ng 21.0 puntos, 9.0 rebounds at 2.5 assists sa nakaraan nilang dalawang laro upang pamunuan ang Knights sa pag-angat sa ikatlong puwesto taglay ang barahang 7-6, panalo -talo kasalo ng Jose Rizal University.

Nakataya ang tsansa nilang umusad sa semifinals, nagposte si Quinto ng 20 puntos, 8 rebounds at 3 assists sa 84-73 panalo nila kontra Arellano nitong Martes upang makaahon sa kinahulugang 3-game slide.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Tatlong araw pagkaraan nito, nagposte ang dating NCAA Juniors MVP ng double-double 20 puntos at 10 rebounds at 2 assists sa 88-79 panalo kontra Mapua University.

Tinalo ni Quinto para sa award ang kanyang teammate na si Rey Nambatac, San Sebastian guard Enzo Navarro, San Beda forward Javee Mocon at CJ Perez ng Lyceum.

“Number 1 (na difference) ay ‘yung leadership ng mga veterans namin -- sila Rey (Nambatac), JP (Calvo) at si Bong. Good thing they stepped up, and the rookies followed na lang,” wika ni coach Jeff Napa.