NEW look si John Lloyd Cruz sa bagong haircut na hindi lang maiksi, may style pa sa likod. ‘Kita n’yo naman sa picture ang bagong estilo ng buhok ng aktor.

ELLEN AT JOHN LLOYD copy copy

Sa Instagram(IG) account ni Ellen Adarna naka-post ang pictures ni John Lloyd na bagong gupit at ang caption ni Ellen, “Ang fresh ni kuya parang high school lang hahaha #chessNights.”

Kung bakit hindi ipinost ni John Lloyd sa sarili niyang IG account ang picture niya with his new haircut, siya lang ang nakakaalam. Hindi ma-interview si John Lloyd ngayon, missing in action siya sa mga reporter dahil laging nakadikit kay Ellen.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, patuloy na pinupuntirya ng kritisismo si John Lloyd sa ipinost na painting ng 12 crucifix na may lalaki sa gitna na painting pala ng American visual artist na si George Condo. Hindi niya dini-delete ang post kahit marami ang umaaway sa kanya sa pag-aakalang hindi niya inirerespeto si Jesus Christ at ang Roman Catholic.