Ni: Gilbert Espena

TUMIMBANG si WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico ng 125.8 pounds, samantalang mas magaang si No. 4 contender Genesis Servania ng Pilipinas sa 125.4 lbs. sa kanilang official weigh-in kahapon sa Tucson Arena sa Tucson, Arizona sa United States.

Liyamado sa laban ang two-time Mexican Olympian na si Valdez ngunit mahirap tawaran ang kakayahan ni Servania na nagpatulog sa mga dating kampeong pandaigdig na sina Rafael Concepcion ng Panama at Alexander Munoz ng Venezuela noong nagkakampanya pa siya sa ilalim ng ALA Boxing Gym sa Cebu City.

“Pipilitin kong maiuwi ang korona para sa ating bansa,” ani Servania. “Gusto ko ring bigyan ng karangalan ang aking pamilya na malaki ang sakripisyo sa paglaban ko sa Japan.”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Magsisilbing main event ang sagupaan nina Valdez at Servania sa depensa ni WBO super middleweight champion Gilberto Ramirez ng Mexico sa Amerikanong si Jesse Hart na kapwa knockout artists.

Kumalas si Servania sa ALA Boxing Gym at minabuting magkampanya sa Japan kung saan tatlong beses nanalo bago inalok ng Top Rank Promotions ng laban kay Valdez.

“I respect [Valdez] because he’s a world champion. But I feel very confident taking him on, and they’ll all see that in the ring,” sabi Servania sa Rappler.com. “I’m hoping for a knockout. I’ve trained really hard for this and I’m so excited and eager to go.”

“I can’t describe what it will be, but I will definitely do everything to win the fight,” dagdag ni Servania. “I want to bring the championship back to the Philippines.”

May rekord si Servania na perpektong 29-0, tampok ang 12 knockouts, habang si Valdez ay may 22 pagwawagi, 19 sa knockouts.