Ni Marivic Awitan
Mga Laro Sa Martes
(Fil Oil Flying V Center)
12 n.t. -- San Sebastian vs Letran (jrs/srs)
4:00 n.h. -- Lyceum vs EAC (srs/jrs)
Batang Bedan, umukit ng record 12 straight Final Four sa NCAA cagefest.
TUMATAG ang defending champion San Beda College sa ikalawang puwesto matapos makalusot sa matinding hamon mula sa Jose Rizal University,65-60, kahapon sa second round ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Fil Oil Flying V Arena sa San Juan City.
Bagamat aminadong wala silang depensa sa first canto, depensa pa rin ang sinandigan ng Red Lions upang mapigil ang tangkang pagbangon ng Heavy Bombers sa final stretch partikular sa huling 20 segundo ng laro kung saan nakapuwersa sila ng krusyal na turnover na dapat sana’y tumapyas sa kanilang apat na puntos na bentahe.
Humulagpos sa kamay ni Abdulrazak Abdulwahab ang bola mula sa di inaasahang pasa kay Aaron Bordon na nagulantang sa presensiya ni Donald Tankoua,sapat para mapreserba ng Red Lions ang panalo.
Nauna rito, dalawang sunod na triples ni Davon Potts ang nagbalik ng kalamangan sa Red Lions, 62-57, may natitira pang 2:15 sa laro.
Dahil sa panalo na nag -angat sa barahang 12-1, pasok na rin ang Red Lions sa Final Four round habang tiniyak naman nito ang twice -to-beat advantages tulad sa namumuno at undefeated na Lyceum of the Philippines University Pirates (13-0). Dahil sa pagkabigo, bumagsak ang Heavy Bombers sa markang 7-6, sa ikaapat na puwesto.
Nanguna para sa nasabing panalo ng San Bed na nagsulong sa ika-12 sunod nilang Final Four appearance sina Jayvee Mocon at Donald Takoua na kapwa tumapos na may double double 19 puntos at 15 rebounds at 15 puntos at 13 rebounds, ayon sa pagkakasunod.
Sa ikalawang laro, nabitiwan ng Arellano ang double-digit na bentahe, ngunit nakabawi sa krusyal na sandali para makuha ang 84-79 panalo kontra Emilio Aguinaldo College.
Umabante ang Chiefs sa 15 puntos sa third period, ngunit natapyas ito ng shooting nina Jerome Garcia at Sydney Onwubere para maidikit ang iskor sa 74-75 may 1:52 sa laro.
Sa krusyal na sandali, naging bayani si Lervin Flores sa krusyal na free throw at depensa para tuluyang igupo ang Generals.
Nanguna si Michael Canete sa Arellano sa natipang career-high 27 puntos.
Samantala, nitong Huwebes, nabuhayan ang kampanya ng San Sebastian sa final Four nang gapiin ang St. Benilde, 73-61.
Iskor:
(Unang laro)
SAN BEDA (65) – Mocon 19, Tankoua 14, Potts 14, Abuda 4, Bolick 3, Soberano 3, Doliguez 2, Bahio 2, Cabanag 2, Oftana 2, Presbitero 0, Adamos 0, Carino 0, Tongco 0, Noah 0
JRU (60) – Mendoza 16, Abdul Razak 11, Bordon 9, David 7, Grospe 6, Teodoro 6, Poutouochi 5, Lasquety 0, Dela Virgen 0, Sawat 0
Quarterscores: 17-10, 31-19, 45-46, 65-60
(Ikalawang Laro)
ARELLANO (84) – Canete 27, Salado 23, Flores 16, Dela Cruz 13, Enriquez 3, Nicholls 2, Alcoriza 0, Meca 0, Concepcion 0, Taywan 0
EAC (79) – Garcia 15, Mendoza J 13, Guzman 12, Onwubere 10, Diego 9, Tampoc 8, Munsayac 4, Pascua 4, Bugarin 4, Mendoza I 0, Neri 0, Corilla 0
Quarterscores: 24-22, 46-36,