Ni: Fer Taboy

Sinabi kahapon ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na walang pulis mula sa Davao City ang nag-apply para sa reassignment sa Caloocan City, na 1,000 pulis ang tinanggal sa puwesto bunsod ng pagkamatay ng tatlong kabataan at mga pagnanakaw.

“Sa ngayon, wala pa po kaming volunteer,” ani Albayalde.

Inihayag ni Director General Ronald dela Rosa, Chief ng Philippine National Police(PNP), na bukas sa lahat ng lugar ang imbitasyon para sa reassignment sa Caloocan, maliban sa Davao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20