Ni: REUTERS

IBINASURA ng mga kinatawan ni Taylor Swift nitong Martes ang kasong copyright infringement na inihain noong Lunes ng dalawang songwriters kaugnay sa sikat na awitin ni Taylor na Shake It Off na anila ay “ridiculous claim.”

tAYLOR copy

Sinabi ng songwriters na sina Sean Hall at Nathan Butler sa kanilang reklamo na isinampa sa U.S. federal court sa Los Angeles na ang awitin ni Taylor ay gumamit ng mga katagang “players, they gonna play, and haters, they gonna hate,” na kanilang binuo para sa awitin noong 2001 na Playas Gon’ Play ng R&B girl group na 3LW.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang lyrics mula sa 2014 hit ni Taylor na Shake It Off ay: “the players gonna play, play, play, play, play, and the haters gonna hate, hate, hate, hate, hate.”

“This is a ridiculous claim and nothing more than a money grab,” sabi ng mga kinatawan ni Taylor. “The law is simple and clear. They do not have a case.”

Humihiling sina Hall at Butler ng hindi binanggit na damages at jury trial.

Sinabi ni Hall, songwriter at producer ng artists na kinabibilangan ni Justin Bieber at ngMaroon 5, at ni Butler na nakatrabaho naman ng Backstreet Boys at ni Luther Vandross, na ang kombinasyon ng playas o players na may hatas o haters ay unique na ginamit sa Playas Gon’ Play ng 3LW.”

“In 2001 it was completely original and unique. Indeed, the combination had not been used in popular culture prior,” saad sa reklamo.

Sinabi nina Hall at Butler na ang phrase ay bumubuo sa halos 20 porsiyento ng lyrics ng Shake It Off. Sinabi nila na si Taylor at ang kanyang team, “undoubtedly had access to Playas Gon’ Play” bago isinulat at inilabas ang kanyang awitin.

“Defendant Swift has admitted that she watched MTV’s TRL which promoted Playas Gon’ Play,” saad sa reklamo.

Ayon dito, ang Playas Gon’ Play ay nag-debut sa No. 7 sa Total Request Live ng MTV noong Marso 2001 at ang debut album ng 3LW ay bumenta ng mahigit isang milyong kopya.