Ni: Erik Espina

LUMALAKAS ang mungkahi sa kongreso na isukob ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Department of Agriculture (DA). Pagpapaalala ng ilang mambabatas, ang DAR ay dating “bureau” na pinangangasiwaan sa ilalim ng DA noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

May puntos ang ganitong istruktura ng pamamahala batay sa matalinong pang-unawa. Ang agrarian reform, suwak ituring na supling sa mas malawak na programa ng pambansang agrikultura. Malaki ang matitipid ng pamahalaan, at ni Juan de la Cruz kung ikakalong sa DA ang DAR. May mga tanggapan at gampanin sa DA at DAR na maaaring ipag-isa upang iwas gastos.

Halimbawa, opisina ng Kalihim. And’yan ang milyun-milyong pisong suweldo, discretionary fund, atbp. Mga Undersecretaries at empleyado na kapareho rin ang trabaho sa mga empleyado ng DA. Bale, halos anim na taon ang perang mapagsisimpan. Kapag napailalim ang DAR sa DA, mas liliit ang guguling budget sa pinag-isang departamento.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

May kakalinga pa rin sa pinagsamang tanggapan upang isulong ang programa ng lupang pang-agraryo. Kalihim na ng DA, si Manny Piñol, ang tatayong pangkalahatang tagapangasiwa sa dating responsibilidad ng isinarang ahensiya. Sakaling hindi mapatupad ang nabanggit na hangarin ng Kamara, maaaring bigyang-puwang ang mga tinig ng mga congressman at senador hinggil sa ilang katangiang ituturo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DAR.

Ito ay upang hindi na muling sumablay sa Commission on Appointments. And’yan ang diretsahang pagkonsulta sa ilang mambabatas kung sinong mga pangalan ang maaaring kilatisin ng Palasyo. Kailangan din na taga-suporta ni Digong ang isasalpak sa DAR, at hindi may sariling mundo. Dapat tinatalima ang Konstitusyon na ang programa ng DAR ay “Lupa para sa mga lumad na mangsasaka” at hindi ang pinapairal na pang-aabuso, “Lupa para sa lahat ng walang lupa”.

Laking kabalintunaan ang ganitong pagkakasangkapan ng “maka-kaliwa” sa agrarian reform upang ipamahagi sa kanilang hanay. Suriin ang susunod na kalihim ng DAR kung “Land productivity”... (pagpapayaman ng lupa) ba o “Land distribution” (pamamahagi ng lupa) lang ang utak nito? Paalala, “Lupa din para sa pabrika/industriyalisasyon ang kinabukasan at pagyaman ng kanayunan”.