UNITED NATIONS (AP) – Nangako si President Donald Trump nitong Martes na wawasakin ang buong North Korea kapag napilitan ang U.S. na depensahan ang sarili nito at kanyang mga kaalyado laban sa nuclear weapons program ng rebeldeng nasyon, sa kanyang unang pagtatalumpati sa United Nations.

Umani ng bulung-bulungan sa mga nagtipong lider ang banat ni Trump laban sa “rogue regimes’’. Sinabi niya na “far past time” na para komprontahin ng mundo si North Korean leader Kim Jong Un, idineklara na ang paghahangad nito ng nuclear weapons ay malaking banta sa “the entire world with an unthinkable loss of human life.’’ “Rocket man is on a suicide mission for himself and his regime,’’ aniya tungkol kay Kim.

Nasalita siya tungkol sa “patience” ng U.S. ngunit sinabing “[if] forced to defend itself or its allies, we will have no choice but to totally destroy North Korea.’’

Ang napakainit na lengguwahe ni Trump ay pambihira para sa isang U.S. president sa rostrum ng United Nations, ngunit ito ay karaniwan kay Trump. Umalis ang ambassador at isa pang top diplomat ng North Korea sa General Assembly bago magtalumpati si Trump para iboykot ang kanyang speech.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Hinimok ni Trump ang mga nasyon na magtulungan para mapigilan ang nuclear program ng Iran at lupigin ang “loser terrorists’’ na naghahasik ng karahasan sa buong mundo.

Iba–iba ang naging reaksiyon ng mga lider sa talumpati ni Trump. Sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Twitter na, “In over 30 years in my experience with the UN, I never heard a bolder or more courageous speech.’’

Nag-tweet naman si Javad Zarif, foreign minister ng Iran, na “Trump’s ignorant hate speech belongs in medieval times-not the 21st Century UN -unworthy of a reply.’’