Ni JIMI ESCALA

AMINADO ang nakausap naming ABS-CBN executive, ayaw magpabanggit ng pangalan, na nagmamalasakit kay John Lloyd Cruz na may epekto sa actor ang hanggang ngayon ay pinagpipistahang viral video habang magkasama sila ni Ellen Adarna sa Cebu.

JOHN LLOYD AT ELLEN copy

Aniya, kung hindi raw sana wholesome ang imahe ni Lloydie ay madaling palampasin ang naturang video na nakuha pang mag-flash ng dirty finger ang actor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero bilib pa rin naman daw siya kay John Lloyd dahil umamin naman agad sa kanyang masamang ginawa kasabay ng paghingi ng paumanhin lalung-lalo na sa mga tagahanga niyang kabataan.

Hindi nagpabaya ang mga taong humahawak sa career ni Lloydie lalo na ang Star Magic sa pamumuno ni Mr. M. (Johnny Manahan).

Para sa kausap naming ABS-CBN exec, partly to blame ang mga kaibigang nakasama ni John Lloyd sa apat na araw na bakasyon nila sa Bantayan Island. Pero higit daw na may kasalanan sa nangyari ang actor mismo. Si John Lloyd pa rin daw ang dapat managot sa kanyang ginawa.

May nakikita ang kausap namin na maaaring masamang idulot kay John Lloyd Cruz ng kontrobersiyal na video, maaaring may mga product endorsements ang actor na hindi na i-renew ang kontrata.

Sabi pa rin ng source, kahit aware si John Lloyd na may epekto sa kanyang wholesome image ang naturang drunk viral video ay hindi na ito mapigilan sa “pagkakalulong” kay Ellen Adarna.